Tumaggap ng cash assistance ang nasa 130 na Persons with Disabilities (PWD) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) sa Presentacion, Camarines Sur nitong Marso 18, 2024.

Ang nasabing cash assistance ay may kabuuang halaga na Php448,500 at ang bawat isa ay tumaggap ng Php3,450 kapalit ng pagtatrabaho sa komunidad sa loob ng sampung araw.

Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng tulong pinansyal kapalit ang gawaing pangpamayanan. Hangad nito na magbigay ng pansamantalang pagkakakitaan sa mga piling miyembro ng lipunan na naapektuhan ng pandemya o kalamidad.
Source: DSWD Field Office 5 – Bicol