Pinasinayaan na ang bagong Health Station na pinondohan sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP) na nagkakahalaga ng Php6,600,000 sa Barangay Danicop, Virac, Catanduanes, nitong Marso 16, 2024.

Mismong si DILG Bicol Regional Director Atty. Arnaldo Escober Jr. ang nanguna sa inagurasyon ng bagong pasilidad, kasama sina Mayor Samuel Laynes, DILG Catanduanes Provincial Director Uldarico Razal, Vice Governor Peter Cua at iba pang mga opisyal at representante ng ilang ahensya sa lalawigan.

Ayon kay Mayor Laynes, patuloy na tinututukan ng lokal na pamahalaan ang mga proyektong pang-imprastraktura at iba pang mga serbisyong mahahalaga para mapaunlad ang isang komunidad. Isa lamang aniya ang nasabing health station sa marami pang inisyatibo ng kanyang administrasyon para mapabuti ang healthcare services sa Virac.

Laking pasasalamat naman ni Punong Barangay Bairan Sorrera sa natanggap na bagong health station na inaasahang makapagbibigay ng maayos na serbisyong medikal sa mga nangangailangang mga residente sa kanilang lugar.

Source: Go Shine Virac

Php6.6M halaga ng Health Station, pinasinayaan sa Virac, Catanduanes

Pinasinayaan ang bagong Health Station na pinondohan sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP) na nagkakahalaga ng Php6,600,000.00 sa Barangay Danicop, Virac, Catanduanes, nitong Marso 16, 2024.

Mismong si DILG Bicol Regional Director Atty. Arnaldo Escober Jr. ang nanguna sa inagurasyon ng bagong pasilidad, kasama sina Mayor Samuel Laynes, DILG Catanduanes Provincial Director Uldarico Razal, Vice Governor Peter Cua at iba pang mga opisyal at representante ng ilang ahensya sa lalawigan.

Ayon kay Mayor Laynes, patuloy na tinututukan ng lokal na pamahalaan ang mga proyektong pang imprastraktura at iba pang mga serbisyong mahahalaga para mapaunlad ang isang komunidad. Isa lamang aniya ang nasabing health station sa marami pang inisyatibo ng kanyang administrasyon para mapagbuti ang healthcare services sa Virac.

Laking pasasalamat naman ni Punong Barangay Bairan Sorrera sa natanggap na bagong health station na inaasahang makapagbibigay ng maayos na serbisyong medikal sa mga nangangailangang mga residente sa kanilang lugar.

Source: Go Shine Virac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *