Isinagawa ng City Disaster Risk Reduction Management Department (CDRRMD) ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Committee (BDRRMC) Empowerment seminar bilang paunang programa sa pagdiriwang ng ika-26 na Anibersaryo ng pagiging Lungsod ng Calapan nito lamang ika-16 ng Marso 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mr. Dennis T. Escosora, City DRRM Officer. Dumalo rin si Ms. Nieves A. Bonifacio-Ret. Assistant Director OCD MIMAROPA, bilang keynote speaker. Naroroon at nagpakita rin ng kanilang suporta sina Mr. Joseph Umali, Chief of Staff at Mr. Dennis Rojas, ABC President.

Naging tampok naman sa talakayan ang Four DRRM Thematic Areas na kinabibilangan ng mga sumusunod: Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response, at Disaster Rehabilitation and Recovery.
Ito rin ay may misyong bigyan ang mga kalahok ng mga mahahalagang kasanayan at kaalaman na makakatulong sa planning, mitigation, response at recovery pagdating sa konteksto ng disaster management at preparedness.

Ang tungkulin at pagpapahalaga sa gampanin ng mga opisyal ng barangay pagdating sa pagpapanatiling ligtas ng taumbayan sa gitna ng mga sakuna at kalamidad ay pagpapakita lamang ng totoong pagmamalasakit sa mamamayang Pilipino.
Source: Tita Malou Flores-Morillo