Inilunsad ang programa ng gobyerno na Aksyon Bilis-Mobile Clinic sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan katuwang sina Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, SP Members, Dr. Arnielyn A. Marasigan-Aguirre Head of Operations, City Health Office, Sierra Diagnostic Centre, Sierra Eye at mga Barangay Health Workers sa Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas.

Ang pagbibigay ng libreng medikal na serbisyo gaya ng check-up, electrocardiogram (ECG), Complete Blood Count (CBC), Chest X-ray, Blood Chem, Sugar test, Cholesterol, Triglyceride HDL, gamot at dental check-up kasama ang simpleng bunot ng ngipin para sa mga nasasakupang mga Barangay.

Binibigyang-diin ng proyektong ito ang pangako ng pamahalaan na alagaan ang kalusugan at makapagbigay ng serbisyong mabilis umaksyon at patuloy na ilalapit sa mga residente ng nasabing lungsod ang programa tuwing araw ng Martes at Huwebes.

Source: The City of Sto. Tomas, Batangas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *