Virac, Catanduanes- Sinimulan na ang groundbreaking ng Child Protection Unit (CPU) na itatayo sa Community Hub, San isidro Village, Virac, Catanduanes nito lamang Disyembre 7, 2023.

Ang naturang groundbreaking ay pinangunahan ni Mayor Sammy Laynes at mga opisyales ng Virac LGU.

Ayon sa alkade, ang pagkakaroon ng Child Protection Unit ay naging posible sa tulong ng Consuelo Foundation at Humanitarian Legal Assistance Foundation na nakipagtulungan sa LGU Virac para sa proyektong ito sa iisang layunin na maprotektahan ang mga kabataan sa mga pang-aabuso.

Tinatayang nasa Php600K ang inisyal na pondo na ipinagkaloob ng nasabing mga grupo para sa konstruksyon ng nasabing pasilidad habang ang lote at dagdag na pondo naman para sa gusali ay manggagaling sa Lokal na pamahalaan ng Virac.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *