Patuloy na namahagi ng cash aid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KKB) Cash-for-Work Program (CFWP) ngayong araw ika-16 ng Hulyo 2025 sa Virac, Catanduanes.
Nasa PHP 1,762,540.94 ang natanggap na cash aid ng 452 persons with disabilities sa nasabing munisipyo. Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng PHP 3,950.00 para sa sampung (10) araw na gawaing pangkomunidad.

Ang KALAHI CIDSS – NCDDP ay isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tumutugon sa mga pangangailangan ng mahihirap na komunidad sa pamamagitan ng bayanihan.
Ang programa ay naglalayon na magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga taong may kapansanan gayundin sa mga kabahayan na mababa ang kita o walang kita at may miyembro sa pamilya na may kapansanan.
Source: DSWD Regional Office V (Bicol Region)